Check nearby libraries
Buy this book
BLURBS
"Pruweba ang koleksiyon ni Mike Coroza kung paanong naiibang tumula ang mga bagong kabataang makata ngayon sa LIRA. Bagaman hindi siya nag-aatubiling maglingkod sa Musa ng Kagalingang Panlipunan, hindi siya nababagahe kapag sumuot sa mga paksaing posibleng ingusan ng naunang henerasyon ng makatang aktibista. Una akong ginitla ng "Putol" ni Mike. Nasa koleksiyong ito kung paanong kinakasangkapan niya ang bait at parikala tungo sa makabuluhan ngunit hindi nakasasawang pagtula."
--Virgilio S. Almario (Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan)
"The strength of Mike Coroza's poetry lies in the subtlest hints of the lyric combined with wit and wry humor. Nothing high-geared. And the appeal of such poetry, I think, is more lasting."
--Ophelia A. Dimalanta
"Palaisip pero matalinghaga ang mga tulang nagpapakilala sa makatang Mike Coroza. Nasa maingat na paghuhugpong ng tradisyon ni Abadilla at tradisyon ni Batute ang birtud ng koleksiyong ito. Inaakit tayo, sa pamamagitan ng mga talinghagang hango sa panlipunang kaligiran, na makisalo at makiisa sa mga muni at bait na bunga ng matamang pagmamasid ng makata sa mga tao at pangyayari sa ating panahon. Basahin si Mike Coroza at bantayan ang kanyang pagsikat sa langit-langitan ng ating panulaan!"
--Bienvenido L. Lumbera (Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan)
"Ang sensibilidad ng makatang si Mike Coroza ay nagtataglay ng parikalang may lakas na nagmumula sa matalim at malalim na paglilimi sa mga penomenong panlipunan at karanasang personal. Madalas na mapanudyo ang kanyang tinig ngunit natural din kung itoý manghaplos at magpaibig. Binibihisan niya ng mga sensuwal na imahen ang mailap na inspirasyon at tayoý mapalad na masaksihan ang kanyang pagtatagumpay sa maselang gawaing ito."
--Romulo P. Baquiran Jr.
Check nearby libraries
Buy this book
Edition | Availability |
---|---|
1 |
aaaa
|
Book Details
Edition Notes
The Physical Object
ID Numbers
Community Reviews (0)
Feedback?March 22, 2011 | Edited by 121.54.54.50 | Edited without comment. |
March 22, 2011 | Edited by 121.54.54.32 | Added new cover |
March 22, 2011 | Edited by 121.54.54.33 | Edited without comment. |
March 22, 2011 | Edited by 121.54.54.32 | Edited without comment. |
March 22, 2011 | Created by 121.54.54.53 | Added new book. |